Akala ko kapag tapos na, tapos na.
Kapag wala nang tawag, wala nang chats, wala na ring dahilan para mag-stay. Akala ko 'pag sinabi mong, "Sorry, I can't anymore," automatic na ring lalaya 'yung puso ko.
Pero hindi pala ganun kadaling burahin 'yung taong naging tahanan mo sa gitna ng gulo.
Kasi kahit dalawang taon na ang lumipas mula noong huli kaming nagkita, kahit ilang project na ang dumaan sa'kin, kahit ilang beses ko nang sinabing okay na ako… ang totoo?
Hindi pa rin.
At ngayon, magkakasama ulit kami—on-screen, on-set, on-cam. Pero off-cam? Walang script. Walang director. Walang take two kapag nasaktan ulit.
They say the best acting comes from real emotions. Kung ganon, magiging totoo ang bawat tingin ko, bawat galaw ko, bawat linya.
Dahil hindi ko kailangan umarte para ipakitang kaya ko nang wala siya.
Pero sana nga… kaya ko na.
---